July 17th, 2009

2nd life

akalain mo nabuhay ulit ako at nadalaw ang aking tabulas! waaaahahahahaha...

Currently feeling: bored
Posted by bhotsichang at 03:41 PM | 3 comments

May 27th, 2009

never been that scared

namiss ko naman magTabulas. kasi naman kung ano anong pinapabasa sa akin. kaya wala akong time...

in short, short lang tong entry na to.. hahaha

anyway, nambully na naman ako kanina! kasi naman natawa talaga ako dun sa isang frosh nung nadinig ko nung break na sinabi niya na "I've never been so scared in my life" dahil kay Atty. Ma. Clara De Castro. katakot nga namin talaga ang prof na to pero hello naman sobrang blessed ka naman at di ka pa natakot ng husto. kaya humagalakpak ako ng tawa lalo ng nagyakag maggroup hug sila ng mga friends or classmates niya.

susme talaga. nakakatuwa lang... well good luck sa new batch of mba-jd students! ilan kaya kayo bago matapos ang SY? hehehe

joke lang...

Posted by bhotsichang at 04:18 PM | Add a Comment

May 22nd, 2009

sakit ng ulo part 2

di kanina na nga pinagpatuloy ang saga namin ni mama dun sa CIS. at guess what nagwagi ang kadiliman laban sa kabutihan! asar talo tuloy ako. kasi naman napagbigyan ang request ni mama na magka-appointment ako kanina. kaya ayun natuloy tuloy at natapos ang kaylangan kong gawin.

tapos si mama ngingisi ngisi lang. nung pauwi na kami....

MOMMY: "oh, buti na lang nagpunta tayo? natapos na natin yang appointment mo."

ME: Speechless

MOMMY: "bilib ka na sa akin? what's the purpose of me being a member of two State Bars?"

ME: "Law student kaya ako!"

MOMMY: "Di ka pa pumapasa ng BAR kaya wag ka magyabang. ipa-carwash mo tong sasakyan mamaya. baka maitanim ko na yung kamoteng nasa cabinet."

****

hay naku asar talaga. panalo na naman siya. may araw din yan sa akin.

****

kanina dun kami nagdinner sa bahay nila nanay, andun din iba kong mga pinsan at anak nila. tapos tinignan namin yung DVD na ginamit sa reception ng interment ni tatay at mga pictures na kuha ni Tuan. grabe ang gaganda ng kuha. parang gusto ko na din bumili ng SLR o kung ano mang tawag dun sa malalaking camera na yun.

tawanan ng tawanan kanina at ang saya saya. parang hindi patay si tatay. pero si mother medyo napaiyak.

ewan ko ba dun. siguro kasi siya na halos nagalaga kay tatay nung nagkasakit ito....

Posted by bhotsichang at 06:29 AM | 2 comments

May 21st, 2009

kachat ko kanina si Kat, at binalita ko na nga sa kanya ang aking decision about to move-on (naks naman!). siya lang sa lahat ng tao ang may alam ng tungkol kay Mark. sa lahat ng friends ko actually. except dito sa internet. anyway, isa pang kontrabida sa buhay ko yang kaibigan kong yan. di daw siya naniniwala na magagawa ko yun. kaya tawa ng tawa. pero lalo tuloy akong nachallenge.

tinanong nga pala niya kung bakit ayaw ko na, sabi ko napagisip-isip ko na din naman talaga dati pa na ayaw ko na. tinanong niya ko kung gusto ko daw makipagkaibigan na lang sa kanya, sabi ko ok lang sa akin (kahit parang ayoko naman). sabi ko sinabi ko na din dati pa yun kay Mark, ayaw naman pumayag ni Mark sa ganung set-up. at sa tingin ko di din magtatagal yun. kasi nung last time naming sinubukan na ganun, di din nageffect.

tapos naungkat na naman ang topic tungkol sa mga kung "ano-ano". sabi ko hindi nga dahil ayaw ko. simula nung magkakilala kami at sa lahat lahat ng pinagdaanan namin ang pinaka-intimate lang na nagawa namin ata eh magdikit ang siko. hehehe yun na yun. ni hawak ng kamay wala. di pa din comfortable eh. basta kapag nanunuod ng movie or nakaupo yun na yung katumbas ng kung ano man, dikit ng siko or ng tuhod.

mas may experience si Mark kaysa sa akin kasi 2 na naging Boyfriend dun. pero tumagal kami ng 2 years na walang mga side-line side-line.

****

naku ang problemado ang ate ko dahil may nghack ng facebook niya! hahahaha kawawa naman...

Posted by bhotsichang at 06:29 AM | 5 comments

May 20th, 2009

sakit sa ulo.

naku ang kulit ng nanay ko. parang hindi tao! bwisit talaga. medyo nagkasagutan na naman kami kanina kasi naman di marunong umintindi. kainis to death lang siya.

kasi may appointment kami sa USCIS sa 27 eh wala na ako nun, kaya pinatawag niya ako sa hotline nung agency di blah blah blah... after nun nirelay ko sa kanya kung ano ang sinabi sa akin ng customer service. kasi naman may specific day and time lang ang appointment. kaya nga appointment eh. tapos may process din sa pagpapareschedule...

ayaw niyang sundin yun at pupunta daw kami bukas sa El Monte para nga "makiusap, magmakaawa at magpumilit" na bigyan ako ng appointment bago mag23. hay naku...

DI NGA PWEDE YUN!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!

magmumuka lang kaming engot dun...

ayoko kasi ng ganun kasi may proseso ngang sinusunod. para saan pa yung mga SOP kung ganun din naman lang pala.

****

anyway, ngayon ang championship ng Dancing With The Stars... sana sa Cherryl at Gilles ang manalo.

****

nagpunta kami kanina sa Loyola Law School kung saan Alumna si mother dear. tanong ko lang bakit siya nakapagaral dun at ako hindi? its SOOOOO unfair! pero will see. hehehe

mukang gusto niya na lumipat ako dun. sana nga afford namin ang matricula dun.

****

nagtext si Mark kanina. medyo pa sweet, tinatanong kung kaylan ang flight ko pabalik ng Manila. at siya daw bukas na. sagot ko sa kanya: "Saturday... Safe flight." hahaha

di na nagreply.

****

sa sobrang inis ko kay mommy kanina hanggang ngayon pumipintig pintig ang ugat ko sa left side ng noo ko. ang sakit.

****

lumabas na result ng DWTS! si Shawn Johnson at Mark ang nagwagi. bwiset gusto ko pa naman si Gilles.

Currently watching: Dancing with the stars
Currently feeling: bad mood
Posted by bhotsichang at 05:58 AM | 2 comments
« Newer | »